Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway sa MECQ, 3 Tsinoy binitbit

0 292

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9 ang limang kalalakihan kabilang ang tatlong Tsinoy na naaktuhang walang suot na facemask habang nagsasagawa ng quarantine checkpoint kamakalawa ng hatinggabi sa Taft Avenue cor. Quirino Avenue, Malate, Maynila.

Sinampahan ng paglabag sa City Ordinance no. 8627 (Mandatory use of Facemask in all public places) in relation to Violation of MECQ (Unauthorized Person Outside Residence, Social Distancing) ar paglabag sa Sec. 11 under Art. II of RA 9165.

Kabilang sa kinasuhan ng paglabag sa City ordinance at RA9165 si Matt Daniel Chua, 21, taga-CM Recto Ave., Sta Cruz habang ang Tsinoy na sina Harvey Lim Hong, 22; Liam Denzel Issey Tomas, 18; Nelvin Cua, kabilang si Marc Jayson Payad, 25 ay sinampahan ng paglabag sa City Ordinance no. 8627 in relation of Violation of MECQ (Unauthorized person outside residence, Social Distancing).

Nasita ang mga suspek alas-11:30 ng gabi sa nabanggit na lugar habang nagsasagawa ng checkpoint sina PLT Jeffrey Montero.

Wala umanong suot na mga facemask at lampas na sa curfew hour nang makorner ang mga ito.

Nakuha naman kay Chua ang 4.5 gramo ng marijuana na nagkakahalagang P540. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.