Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway sa protocol, 30 tomador kalaboso

0 36

Umaabot sa 30 katao ang inaresto ng mga awtoridad nang maispatang nag-iinuman sa labas ng kanilang mga tahanan bagamat ipinatutupad na ang ‘liquor ban’, bukod pa sa pasaway rin ang mga ito sa ipinatutupad na health protocol sa Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip sa Barangay Pinyahan na sina Mark Anthony Catagan, 43; Stephanie Anonuevo, 25; James Sanchez, 20; Gloria Naynes, 37; Landys Estardo, 18; Jade Enojosa, 18; Ricardo Hinampas, 45; Aileen Perez, 42; John Sarbillana, 23; John Weng Vicente, 21; Mike Hilario, 19; Renato Luzong, 56; Arnel Ambos, 60; Fernando Oavina, 52, at Chiristian Jay Semillano, 18; Aldrin Briones, 19; Carlo Jay Lausin, 19; Alfredo Cambay, 19, at Joselito Credo, 25-anyos.

Sa Barangay Central, binibit din sina Luis Rafael, 21; Ronald Magat, 38; Prinz Carino, 19; Marex Gabato, 33; Anthony Barsolaso, 27; Mark Joseph Arienda, 26; Martin Buctot, 33; Erwin De Luna, 27; Renier Arienda, 18; Blass Richard Paul Crusio, 27, at Alex Relota, 25.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report ng Kamuning Police Station ng QCPD, ala-1:30 ng madaling araw (May 8), nang isa-isang bitbitin ang mga suspek na nakipag-inuman at walang face-mask.

Kakasuhan ang mga ito sa paglabag sa Comelec Liquor Ban at Health Safety Protocol. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.