Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway sa social distancing! 9 Valenzuela employee sinuspinde

0 151

Pinatawan ni Mayor Rex Gatchalian ng 14-day work suspension ang 9 na empleyado ng Valenzuela City Hall na lumabag sa social distancing.

Bukod dito, papatawan din sila 14 araw rin na community service at magtatrabaho bilang contract tracer sa City Epidemiology and Surveillance Unit.

Nabatid na ipinatawag ni Mayor Rex ang siyam na empleyado matapos makuhanan ng isang netizen na lumalabag sa social distancing sa loob ng sasakyan.

Iginiit ng alkalde sa mga kawani ng City Hall na, “Hindi dahil government employee ka ay exempted ka sa mga batas.”

Ipinapaalala din ni Gatchalian sa kanyang nasasakupan ang mahigpit na pagpapatupad at pagsunod sa minimum health standard, maging sa pribado man o pampublikong sektor. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.