Abante Tonite Interactive

Pascual, Go nagpakilala

0 221

Nagpakilala agad sina College of Saint Benilde Lady Blazers rookies Gayle Pascual at Micah Go sa simula ng 95th NCAA women’s volleyball tournament 2020 Biyernes sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Inakbayan nina Pascual at Go ang Lady Blazers upang kalusin ang last year’s runner-up University Perpetual­ Help Lady Altas, 25-17, 14-25, 25-17, 25-20.
Transferee mula sa University of Sto. Tomas, nagtala si Pascual ng 15 points para sa dating kampeon na CSB habang bumira si Go na produkto ng Hope Christian School ng walong puntos, 15 digs at pitong excellent reception.

Pinaglarong mga starters ni Taft-based coach Jerry Yee ang kanyang mga bagong bataan sa apat na frame at nilimitahan ang minuto ng mga beteranong si Klarisa Abriam at setter Jewel Lai.

“Siguro po kasi kami po ang naglaro sa first two sets na mga rookie so parang napi-feel pa namin ang pressure,” ani Go.

Nag-ambag si Jade Gentapa ng 12 markers,­ may siyam si Diane Ventura habang si alternate setter Cloanne Mondonedo may 13 excellent receptions para sa Lady Blazers.

May 14 markers naman si Jhona Rosal para sa UPH. (Elech Dawa)