Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pascual sumabit sa Bolts

0 76

Sa Meralco na umakyat si Kyle Pascual pagkababa ng Terrafirma para sa 47th Philippine Basketball Association 2022 na pasisimulan sa Philippine Cup sa darating na Hunyo 5.

Unrestricted free agent ang 32-year-old, 6-foot-6 center/power forward ng Dyip bago tumalon sa Bolts para pumirma ng dalawang taong kontrata.

Kasama ng PBA journeyman sa lumagda ng dokumento ang kanyang agent na si Marvin Espiritu ng EMBM kay Meralco team manager Paolo Trillo Huwebes sa Estancia, Capitol Commons sa Pasig.

Taong 2021 lang nang mapunta si Pascual sa Dyip.

Apat na taon naman ang tinagal ng big man sa Magnolia Hotshots bago napadpad sa Terrafirma. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.