Abante Tonite Interactive

Pasig, 1Bataan may P2M kay Mascariñas

177

Hindi pa man opisyal na naisuot ang tatlong kulay ng bandila ng Pilipinas ay agad nang nakatanggap ng P2-mil­yong insentibo ang mga koponan ng Pasig Grindhouse at 1Bataan Risers bago sumabak sa 2019 FIBA 3×3 World Tour Masters sa Doha, Qatar.

Katulad sa mga pambansang atleta na nakakakuha lamang ng insentibo kapag nakakapagwagi ng kanilang medalya sa sinalihang event, sasabak pa lamang ay nakatikim na agad ng sorpresang pa­baon ang Pasig Kings at 1Bataan Risers mula kay Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league owner Ronald Mascariñas.

“As a gesture of gratitude to the players, we are giving the players of both teams a little gift that is a little over two-million pesos,” sabi ni Mascariñas bago umalis ang mga koponan. ““Thank you for serving your country.”

Base sa mga opisyales ay mas malaki ang nakuha ng 1Bataan quartet ng Pilipinas No. 4 player Alvin Pasaol, no. 5 Santi Santillan, no. 10 Karl Dehesa, at American import Travis Franklin sa nakuha naman mismo ng Pasig nina No. 1 Joshua Munzon, no. 2 Taylor Statham, no. 3 Troy Rike, no. 12 Dylan Ababou, at reinforcement Nikola Pavlovic dahil sa pagpasok nito sa finals ng ginanap na regional meet.

Matatandaan na naiuwi ng 1Bataan ang premyo na USD 15,000 matapos puma­ngalawa sa nagkampeon na Japan habang nagkasya ang Pasig sa USD 7,000 matapos tumuntong sa sa semifinals. (Lito Oredo)