Abante Tonite Interactive

Pasig City treasurer buking sa iligal na paniningil ng buwis

482

Nahaharap sa kasong adminis­tratibo ang Pasig City Treasurer matapos mabuking ang ginagawang katiwalian sa isang grupo ng Tambuli ng Mamamayan ng Pasig, Inc.

Ayon kay Eleazar Salonga, miyem­bro ng Tambuli, sinampahan nila ng kasong administrative complaint si City Treasurer Marita Abon Calaje, dahil sa paniningil ng buwis sa kompanyang Mid-Pasig Land Development Corporation (MPLDC) na nagmamay-ari sa mahigit 18 ektaryang ‘Payanig sa Pasig’.

Ang Tambuli ay isang non-stock, non-profit NGO at isang kilalang maimpluwensiyang grupo sa Pasig City na kinabibilangan ng mga malalaki at kilalang pamilyang taal sa Pasig.

“Ang problema ay may desisyon na ang Korte Suprema noong 2011 na hindi na dapat maningil ng buwis ang lokal na pamahalaan, ngunit itinuloy pa rin nila ito noong 2013 ang paniningil sa kumpanya,” ayon kay Salonga.

Preventive suspension ang hiniling ng mga miyembro ng Tambuli na sina Noel Medina, Eleazar Salonga, Ram Cruz, Jose Gonzales, Justine Echevarria, Godofredo Pasco, Edison Lati at Robertjohn Robas laban kay Calaje. (Vick Aquino)