Abante Tonite Interactive

Pasig import Pavlovic mananamantala sa 3×3

262

Laro ng 2 Team ‘Pinas ngayon:
(Katara Cultural Village)
4:50pm — Riga vs Balanga Pool C
5:50pm — Pasig vs Katara Pool A
6:35pm — Moscow vs Balanga Pool C
7:25pm — Liman vs Pasig Pool A

Nabawasan ng isang malaking problema ang Pasig Chooks Pilipinas bago sumabak sa unang pagkakataon sa sasambulat ngayong hapon na 2019 FIBA 3X3 World Tour Masters sa Katara Cultural Village sa Doha, Qatar.

Ito ay dahil ang top-ranked team sa mundo na Liman ng Serbia ay hindi magagamit ang serbisyo ni world no. 2 Stefan Stojacic sa susunod na anim na linggo kabilang ang isasagawang na dalawang na torneong ito.

Abante Hiring – IT dep

“It will be a big difference and a big loss to them because he’s the player that makes the team better,” pahayag ni Pasig Kings import Nikola Pavlovic, na unang naglaro para sa katabing lungsod pero karibal ng Liman na koponan na Novi Sad. “He can score a lot of points, especially the two-points. It will be a big problem for them.”

Hinirit ng Pasig Kings import na si Pavlovic na “the loss of the cager known as ‘Mr. Robot’ will be a huge blow to the Serbian’s campaign.”
Kasalukuyang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 President’s Cup champions, sasagupain ng Pasig ang Liman sa madaling araw dito ng Biyernes, (Philippine time) sa 12:25 am.

Gayunman, bago sumabak ang quartet nina Pavlovic, Joshua Munzon, Taylor Statham, at Angelo Tsagarakis ay sasagupain nito ang host team Katara Huwebes ng gabi, 10:50 pm sa Phi­lippine time.

Susundin ang seeding­ sa pagpapares ng mga laro kung saan No. 1 ang Liman ng Serbia, No. 2 ang Novi Sad ng Serbia, No.3 ang Riga Ghetto (LAT), No. 4 ang Piran (SLO), No. 5 ang Ljubljana (SLO), No. 6 ang Moscow Inanomo (RUS), No. 7 ang Tokyo Dime (JPN), No. 8 ang Pasig Chooks (PHI), No. 9 ang Katara (QAT), No. 10 ang Doha (QAT), No. 11 ang Balanga Chooks (PHI) at No. 12 ang Mount-Royal U McGill (CAN). (Lito Oredo)