Abante Tonite Interactive

Pasig rehab chief sinibak ni Duterte

0 302

Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto si Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio Goitia dahil umano sa korapsyon.

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa awarding ceremony para sa 2019 Outstanding Public Officials and Employees o Da­ngal ng Bayan awardees na ginanap sa Malacañang Martes nang gabi.

“I just dismissed him. Paglabas niyo ngayon, nandiyan siya sa labas. Tinalian ko muna ng angkla. Ihulog ko itong p*tang i*ang ito sa Pasig River para tumaba lalo ang tilapia,” sabi ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na inuna niyang sinibak si Goitia pero plano niyang sibakin ang lahat ng opisyal ng PRRC.

Pinapalutang aniya ng sinibak na opisyal na ilalagay siya sa Bureau of Customs at nanghihingi umano ng pera sa mga taong konektado sa Aduana.
“Lahat sila, inuna ko lang siya. He has been floating na siya ang ilagay ko sa Customs at nanghihingi na ng mga pera sa connected sa Customs. He is telling people that he will be appointed as Customs collector. Pinapasilip ko ‘yung iba but my intention is to wipe them all. Top officials,” anang Pangulo. (Aileen Tali­ping/Prince Golez)