Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasig River ferry balik biyahe na

0 208

Simula sa Lunes, August 3, ay muli nang mag-ooperate ang Pasig River Ferry Service.

Ayon sa pahayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ipapatupad ang partial operation ng ferry sa anim na istasyon.

“We are pleased to announce that everything is set for the partial resumption of the PRFS, but only half of its capacity, inclusive of ferry boat crew,” ani MMDA Chairman Danilo Lim.

Mula Lunes hanggang Sabado ang operasyon ng ferry, alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi para sa mga istasyon ng Pinagbuhatan, San Joaquin, Guadalupe,Valenzuela, Lawton at Escolta.

Ilang health protocol din ang susundin bago payagang makapasakay ang mga pasahero, tulad ng temperature check, fill-up ng information sheet, at tanging edad 21 hanggang 59 lang ang papayagang makabiyahe.

Mayroon ding marking sa mga ferry at istasyon para mapatupad ang social distancing. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.