Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasig River ferry binara ng mga water lily

0 100

Tigil muna ang biyahe ng Pasig River ferry simula nitong Miyerkoles, Oktubre 14, dahil sa malaking volume ng mga water lily na nakaharang sa daraanan nito.

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko hinggil sa pansamantalang suspensyon ng operasyon ng Pasig River ferry para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Ibabalik agad, ayon sa MMDA, ang operasyon ng ferry kapag puwede na uli daanan ang Pasig River. Tiniyak din ng ahensya na regular silang nagsasagawa ng paglilinis sa kahabaan ng ilog para maalis ang mga water lily at mga naglulutangang basura rito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.