Abante Tonite Interactive

Pasig River imposibleng malinis pa — Duterte

344

Naniniwala si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na imposibleng malinis pa ang Pasig Ri­ver dahil sa dami ng mga basurang nakatambak dito simula pa sa panahon ng mga Kastila.

Inihayag ito ng Pa­ngulo sa panunumpa ng mga bagong appointed government official na ginanap sa Malacañang noong Martes.

“Ang Pasig ngayon sabi Pasig commission. Maski ano. Pasig Bureau, Pasig department — department of Pasig. ‘Yang Pasig na ‘yan, hindi mo malinis ‘yan because wala naman tayong zoning. Panahon pa ni Rizal, ang poo ng mga Espanyol noon, di­yan sa Pasig pumupunta,” sabi ng Pangulo.

“Over the years, ang labasan ng mga factory, mga bahay, lahat, Pasig River. O how you can — you clean that? Kaya itong commission sa Pasig tanggalin ko na ito, place it under Gene­ral Cimatu sa DENR. Environment na. Just pa­ying people with… useless. Hindi mo malinis talaga ‘yan,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Maliban na lamang aniya kung magtatayo ng mga bagong siyudad para mag-migrate ang mga tao at mabawasan ang populasyon sa Metro Manila.

“You have to overhaul the entire city. Unless you build new ci­ties outside at mag-migrate and there’s a les­sening of you know, people here, maybe you can start. But you can start with the factories. They are all chemicals there,” wika ng Pangulo. (Prince Golez)