Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasig River pinakamarumi – Ocean Cleanup

0 9

Ikinalungkot ng Malacañang ang ulat na kabilang ang Pasig River at 18 ilog pa sa Pilipinas sa mga top plastic polluter sa buong mundo.

Kasunod ito ng pag-aaral na inilabas ng Ocean Cleanup na nakabase sa Rotterdam kung saan pinangalanan ang Pasig River na number one na pinagmumulan ng plastic na naaanod papunta sa dagat.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mayroon na dating Pasig River Commission pero wala ring nangyari kaya nilusaw ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nakakalungkot po `yan, that is not something na we should be proud of,” ani Roque.

Nabatid na kasama rin umano sa top 15 plastic waste carrier sa buong mundo ang mga ilog sa Tullahan, Meycauayan, Pampanga, Libmanan, Rio Grande de Mindanao, Agno, Agusan, Parañaque, Iloilo, Imus, Zapote, Cagayan de Oro, Davao, Malaking Tubig, Tambo in Pasay, Jalaur, Cagayan at Hamulauon. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.