Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasig River rehab tuloy kahit walang PAREX – SMC

0 41

Matuloy man o hindi ang Pasig River Expressway (PAREX) project, ipagpapatuloy ng San Miguel Corporation (SMC) ang paglilinis nito sa mga ilog dahil matagal na ring adbokasiya ng kompanya ang water sustainability.

“With or without the PAREX project, we will continue to clean the Pasig River,” sabi ni SMC president Ramon S. Ang.

Ayon sa kompanya, nasa 54,000 toneladang dumi at putik na ang natanggal ng SMC mula Hulyo hanggang Setyembre sa ginagawa nitong paglilinis ng Pasig River.

Nasa P2 bilyon na ang inilaan ng SMC para sa Pasig River cleanup upang maibsan ang pagbaha sa Metro Manila at mga bahaing lalawigan sa paligid ng Laguna Lake.

Layunin ng SMC na linisin ang mga ilog at iba pang lagusan ng mga tubig sa Metro Manila at mga karatig lalawigan para maayos ang daloy papuntang Manila Bay.

Tumutok ang SMC sa paglilinis sa makikipot na lugar ng Pasig River, partikular na ang malapit sa Pandacan at Malacañang. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.