Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasig tinapyas bayarin ng private school

0 232

Hindi pinapabayaan ng Pasig government maging ang mga private school sa paparating na pagbubukas ng klase.

Sa Facebook post ni Mayor Vico Sotto, inanunsyo nito na tinapyas na ang lahat ng regulatory fee para sa mga private school habang hindi pa pinapahintulutan ang face-to-face classes.

Bukod pa dito, pinalawig din ang scholarship para sa 3,000 estudyante ng mga pribadong paaralan sa Pasig.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Saad ni Sotto, malaki ang epekto kapag tuluyang nagsara ang mga private school, na magdudulot ng overcrowding sa mga publikong eskuwelahan.

“We know private schools are having a difficult time too, and some are in danger of closing,” ayon sa alkalde.

Ang nasabing ordinansa ay naisagawa sa tulong nina Pasig Rep. Roman Romulo at Vice Mayor Iyo Bernardo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.