Abante Tonite Interactive

Pasiklab na mambabatas pipitsugin ang pa-raffle

202

Mahilig siyang magpasiklab sa mga isyu kaya’t habulin siya ng mga media.
Pero pagdating ng Pasko, wala itong pasabog na papremyo dahil pipitsuging item lang ang pinamimigay nito.

Namigay kasi itong mambabatas ng pang-raffle na mabibili lang sa Divisoria ng P200 hanggang P300.

Aba’y tinalo pa ang plantsa na kalimitang pinag-aawayan sa mga pa-raffle tuwing Christmas.

Abante Hiring – IT dep

Kung P300 load pa sana ang ipina-raffle ng mambabatas, baka natuwa pa ang nakakuha sa kanyang premyo.

Ang classic nito, kilalang biyahero ang mambabatas kung saan Euro at Dollars ang binabayad niya sa bawat gastusin sa kanyang pinupuntahan.
Barkada rin niya ang dalawang mambabatas na madatung o nagpapaulan ng kuwarta tuwing Pasko.

Clue: Kilala siyang palaban at iisa lang ang kanyang hairstyle. Kung siya ay senador o congressman, hulaan niyo sa letrang T as in Three.