Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasiklab sa celebrity! PLDT-MVP `di patas sa kustomer

0 96

Dismayado ang mga netizen na subscriber din ng PLDT ni Manuel V. Pangilinan matapos malaman na kinabitan nito ng napakabilis na internet service ang aktres na si Liza Soberano.

“Kailangan ba kamukha ni Liza Soberano para magkaroon ng 300 Mbps na internet connection?” reaksyon ng isang netizen.

Matatandaang nagreklamo sa Twitter ang aktres dahil sa internet speed ng Converge.

“Converge really needs to start fixing their internet speed. I am an unhappy customer,” tweet ni Liza noong Linggo.

Kinabukasan, Lunes, pumunta umano ang karibal na telecommunications company na PLDT sa bahay ng aktres para kabitan ito ng internet.

Tuwang-tuwa si Soberano at binida na 300 megabits per second (Mbps) ang kanyang internet connection, na ayon sa mga netizen-subscriber ay tiyak na mas mabilis kumpara sa kanilang internet speed sa parehong kompanya.

“What a lifesaver. Lag? I don’t know her,” tweet pa ni Liza.

Maraming nainis sa PLDT dahil sa umano’y special treatment at mabilis rumesponde ang kompanya kay Liza.

Hindi anila ganito ang sitwasyon sa mga ordinaryong kustomer ng Converge o PLDT.

May mga hindi naman natuwa kay Liza, na binansagan nilang “insensitive” at “privileged”sa pag-anunsiyo ng mabilis nitong internet connection. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.