Abante Tonite Interactive

Pasilip ni Kathryn aprub kay Daniel

725

tonite-imo-vinia-vivarAprub kay Daniel Padilla ang pagpapakita ng kaunting skin ni Kathryn Bernardo dahil alam niyang kailangan din naman daw ito lalo na’t 22 years old na ang aktres at hindi na rin teenager.

“She’s a woman, so kailangan nating respetohin ‘yun. Hindi laging tagong-tago, ‘di ba? Ako nga, napapayag na. Kasi ganu’n, kailangan mong intindihin. Kaming mga lalaki, may ganu’n. And kung maganda ‘yung gusto niya, kung kumportable siya du’n sa damit niya, why not?” sabi ni DJ.

Pero nilinaw niyang hindi raw nagpapa-sexy ang girlfriend at ka-loveteam.

“Naglalabas man siyang skin, pero lagi siyang elegante, okay?” sabi ni DJ.

When asked kung may limit ba siya sa pwedeng isuot na outfit ni Kathryn, ani Daniel, “si Kathryn mismo personally, alam niya ‘yung limit niya. Alam niya pag sobra. Pero kung nagpapakita siya ng kaunting balat, okay lang ‘yun. Panahon na rin.”

Tungkol naman sa na­giging issue ngayong may makakapareha na silang iba, ani Kathryn ay hindi pa sila ready. Pero okay sa kanila kung solo artist.

“I think, walang masama kung i-push na solo actor si DJ, or magkaiba kami. Kasi, okay ‘yun, eh, na mabigyan ng ganun’g chance pero hindi naman ibig sabihin na na­ging solo actor na ‘to, mawawala na ‘tong loveteam, nandiyan lang ‘yan forever,” sabi ni Kathryn.

Dagdag naman ni Da­niel, “saka mas masaya kasi makikita nila ‘yung mas personal namin, di ba?”

May gagawin kasing movie si Kathryn without Daniel, ang Three Words to Forever with Sharon Cuneta and Richard Gomez. Pero family drama raw ito at wala raw siyang partner.

Carlo wala sa sarili

Pinagtatakhan ng entertainment press ang pagiging tahimik at parang wala sa sarili ni Carlo Aquino sa presscon ng Goyo: Ang Batang Heneral na ginanap last Thursday.

Kapansin-pansin na habang nagaganap ang Q&A forum ay parang may malalim siyang iniisip at hindi halos ngu­mingiti. Para ngang wala sa presscon ang isip niya.

Nang tanungin siya kung paano niya inatake ang kanyang role bilang Col. Vicente Enriquez, parang hindi nga niya agad naintindihan at pinaulit pa niya ang tanong.

Nahirapan siyang sagutin ang tanong kahit na napakadali lang naman although later ay sinabi naman niyang grateful siya na siya ang napili for the role.

“Grateful kasi isa rin ito sa pinakamala­king pelikula na ginawa ko this year. Tapos magki-create siya ng awareness tungkol sa history, kung ano ang nangyari noon sa battle of Tirad Pass,” sey ni Carlo.

Naipaliwanag naman niya ang kanyang role na niya ay kababata raw ni Gregorio del Pilar na ginagampanan naman ni Paulo Avelino.

After the Q&A ay gusto sana naming interbyuhin ang aktor pero nawala na ito nang hindi namin namamalayan. Tanungan tuloy ang press kung may pinagdadaanan daw ba ang aktor.

Pero may nakapagsabi namang may lagnat daw si Carlo that time kaya matamlay.