Abante Tonite Interactive

Pasko ng mga batang lansangan

98

Matagal nang kampanya ng gobyerno sa publiko na huwag magbigay ng limos sa mga taong lansangan.

Tinuturuan daw kasi nito ang mga namamalimos na maging tamad. May punto naman.

May ilang namamalimos na talaga namang maayos pa ang pangangatawan at kaya pang magtrabaho para kumita ng pera.

Pero ang higit na nakakalungkot ay ang paggamit ng mismong mga magulang o ng mga nakakatanda sa mga paslit, partikular sa mga sanggol, sa kanilang pamamalimos.

Bukod pa sa kultura ng katamaran na itinuturo ng limos, marami ring kaso na mga sindikato ang kumikita sa limos.

Related Posts

Lalo na nga iyong mga Badjao at iba pang katutubo na pinaniniwalaang hinakot talaga at dinala sa Metro Manila at iba pang mauunlad na lungsod para gamitin sa pamamalimos.

Pero ang hindi lahat ng pulubi at pamilyang nasa lansangan ay hawak ng sindikato. Lumalaki ang kanilang bilang.

Kung ayaw ng gobyerno na limusan sila ng mga nakakaluwag sa buhay, paano sila tutulungan ng gobyerno? Ano ang programa para sa kanila?

Kaawa-awa ang mga batang palaboy sa lansangan. Hindi nila nararamdaman ang Pasko.

Sana naman ay mabigyan sila ng programa ng gobyerno na makakatulong sa kanilang kalagayan.

Iparamdam nawa sa kanila, lalo na sa mga batang lansangan ang saya ng Pasko na hindi galing sa limos.