Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasko pa rin:Cha-Cha keber sa pandemya

0 429

NI: ROLDAN CASTRO

Winner ang Christmas single ang dating “Goin’ Bulilit” star na si Cha-Cha Cañete, ang awiting “Pasko Pa Rin”.

“’Yan ‘yung kanta na akma talaga sa nangyayari ngayon… Haixt… Pero life must go on, Pasko ay Pasko pa rin kahit anong mangyari,” sey ni Beverly Ann Villamante.

“Ang galing! Very catchy! Share ko ito! Kailangan natin itong lahat! Salamat,” dagdag ng isang netizen.

Pagkatapos mapasama sa mga child-friendly shows na “Goin’ Bulilit,” “Biyaheng Bulilit,” at “Kulilits,” nag-release si Cha-Cha ng debut single niyang “Bakit o Bakit” under Star Records noong 2012. Simula noon, nanalo na siya sa mga international singing competitions gaya ng 2013 World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Los Angeles, California, USA, at ang 2014 Europop sa Berlin, Germany.

Abangan ang masayang selebrasyon ng Pasko kasama si Cha-Cha at ang single niyang “Pasko Pa Rin,” na mapapakinggan na sa iba’t ibang digita music streaming platforms.

Ang ‘Pasko Pa Rin’ ay nasa Spotify, Apple Music at Deezer.

Effect At napapanahon ang single ni Cha- Cha! Laban lang at tuloy ang Pasko kahit pandemya. Di ba Ms, Kathy Solis at Allan Sancon?

Leave A Reply

Your email address will not be published.