Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paskong lockdown sa Cebu City nakaamba

0 141

Nanganganib na isailalim muli sa mahigpit na lockdown ang Cebu City kung patuloy pa umanong tataas ang kaso roon ng coronavirus disease.

Sa ulat, sinabi ni Councilor Joel Garganera, deputy chief implementer ng Emergency Operations Center, na tumataas muli ang bilang ng naitatalang bagong kaso ng virus kada araw sa lungsod. Mula aniya sa pagbaba sa single-digit hanggang sa wala nang naitalang bagong kaso sa nakalipas na mga linggo sa lungsod ay nakapagtala ito ng 13 case noong Martes, 28 noong Miyerkoles at sampu noong Huwebes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil doon, lumobo muli ang active case sa lungsod sa 196. Mas marami rin aniyang bagong kaso ang naitatala kumpara sa gumagaling.

Nagbabala ang konsehal na kung patuloy na magpapasaway sa mga health protocol ang mga residente nila ay posibleng magdiwang sila ng Pasko na naka-enhanced community quarantine.

“People tend to relax. This is very alarming. If this trend continues, then it’s not (far-fetched) that before the end of the month, we will be placed under lockdown again. This is a warning because a lot are no longer complying with the health protocols,” lahad pa ni Garganera. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.