Abante Tonite Interactive

Paskong Pinoy: Mas mabuting magbigay kesa tumanggap

243

Nakaugalihan na ng maraming Pilipino na bago pa man dumating ang panahon ng Kapaskuhan ay abalang pinaghahandaan lalo na ng pamimili ng mga regalo para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Bukod sa ningning na dala ng mga ilaw at kumikinang na dekorasyon, ang pinakamagandang panahon ng taon dahil ang mga tao mula sa lahat ng uri ng pamumuhay ay nagbibigay at tumatanggap ng mga regalo.

Hindi mahalaga ang liit o laki ng pres­yo ng bawat ibinibigay na regalo, dahil ang pagbibigay ng regalo ay nananatiling isa sa mga pinakamatatag at magagandang tradisyon ng paraan ng Pilipino sa pagdi­riwang ng Pasko.

Gamit ang Pasko na literal hindi naka­kagulat na makita ang libo-libong mga tao na dumadagsa sa mga high-end mall sa Quezon City at Makati o mga murang tindahan sa Divisoria, Maynila upang bumili ng pinakamainam na mga regalo para sa kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

Sa kabila ng mga abala at manipis na pinansiyal na nauugnay dito, ang mga Pili­pino ay hindi paaawat na mamili upang sorpresahin at ipakita ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang mahal sa buhay.

Para sa ilang mga namimigay ng regalo kahit mahal, ay sumasaya o nagkakaroon sila ng self-satisfaction.

Gayundin ang pagbibigay at pagtanggap ng mga regalo ay nagbibigay ng saya at kahulugan sa okasyon.

Para naman sa ibang Pilipino naka­gisnan at nakasanayan na nila ang magbigay at tumanggap ng regalo. Hindi lamang umano materyal na bagay ang puwedeng iregalo sa pamilya, kaibigan, puwede rin ang pagmamahal at maari ding maibalik sayo.

Ang panahon ding ito ay isang paraan upang pasalamatan ang Diyos sa mga biyayang natatanggap sa buong isang taon at maipakita ang tunay na kahulugan ng Pasko bukod sa pagiging bahagi ng kultura ng Pinoy. (Mina Aquino)