Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paskong tuyo sa DepEd

0 52

Ilang araw na lamang at sasampa na ang buwan ng Disyembre. Dati-rati, kaliwa’t-kanan na ang pagdaraos ng Christmas party, bigayan ng mga regalo at bonus ng mga empleyado.

Pero dahil sa COVID-19 pandemic at sa magkakasunod na bagyong tumama sa Bicol Region at ibang bahagi ng Luzon na nagpalubog sa Marikina City, ilang bayan sa Rizal, Central Luzon, Isabela at Cagayan, mukhang marami sa mga Pinoy ang magiging malungkot ang Pasko.

Kabilang sa makakaranas ng Paskong tuyo ay ang mga empleyado ng Department of Education. Sila yung mga pobreng security guard, driver, utility at mga ordinaryong trabahador sa ahensiya.

Nganga sila ngayong Pasko dahil kinansela ng DepEd ang bidding para sa pagbili ng P4 milyong hamon at keso de bola bilang pamasko sa mga ordinaryong empleyado.

SM food to go Banner Ad

Kada taon ibinibigay sa mga empleyado ang Noche Buena pack at ngayong taon lamang ito tinigil. Naiintindihan naman nila ang sitwasyon pero hindi nila maiwasang malungkot sa pangyayari.

Isipin nyo naman kasi, halos siyam na buwan din silang naghigpit ng sinturon dahil sa pandemic at isinugal ang buhay para makapagserbisyo sa publiko. Pero pagdating ng panahon kung saan kinakailangan nila ang kaunting grasya, wala silang maaasahan.

Hindi naman kalakihan ang kanilang suweldo at mayroon din silang kamag-anak na tinamaan ng bagyong Rolly at Ulysses na humihingi ng tulong sa kanila. Pero nakapagdesisyon na ang DepEd kaya wala na silang magagawa.

Syinapol daw ng DepEd ang pondo para magamit sa mga biktima ng nagdaang bagyo gayundin sa mga hakbang para malabanan ang COVID-19. Tinapik din ang mga regional at division office na hindi tinamaan ng bagyo, para tumulong sa mga nangangailangan na guro at staff.

Iniiwasan lang marahil ng ahensiya na mabatikos sa pamimigay ng Noche Buena packs. Yun nga lang, ang mga ordinaryong empleyado naman ang kailangang magsakripisyo sa hakbang na ito. Bawi na lang sa susunod na taon!

Leave A Reply

Your email address will not be published.