Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paskong walang caroling

0 73

‘Nagluto ang ate ng manok na tinola. Sa bahay ng kuya ay mayroong litsunan pa.’

Sa totoo lang, nakaka-LSS ang bahagi ng kantang ‘yan tuwing sasapit ang Kapaskuhan.

Kung wala lang banta ng COVID-19 transmission, may mga nagbabahay-bahay na siguro para mangaroling.

Nakagisnan at bahagi na ng kulturang Pilipino ang street carolling. Grupo-grupo ng mga bata ang umaawit ng Christmas carols sa bahay-bahay para humingi ng aguinaldo at pamasko.

Kahit pa maliit na halaga ang iabot sa carollers, tiyak na may ngiti sa kanilang mga labi. For sure, kakanta sila nang – ‘thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you.’

Kaysarap pakinggan sa tenga ang kantang ‘yan. Pero dahil sa pandemya, wala munang street carolling.

Nabanggit na ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa kanyang regular briefing noong isang linggo na kasama raw sa tatalakayin ng Inter-Agency Taskforce on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagba-ban sa street carolling. Hindi pa rin kasi tapos ang laban ng buong mundo sa COVID-19 kaya mahirap magpakampante.

Paraan ito ng gobyerno para maiwasan ang transmission ng sakit, lalo pa’t lumalabas sa mga pag-aaral na 80% ng mga tinamaan ng virus – walang sintomas o ‘yung tinatawag na ‘asymptomatic’. Bagay na mas kailangang tutukan dahil hindi agad made-detect kung ang kausap mo ba’y carrier o hindi.

Tiyak ako na maraming mga pagbabago sa Paskong darating.

Puwede nang mag-mall pero limitado pa rin ang kilos ng mga shopper. Hindi puwede ang siksikan. Kahit ang simpleng pagsakay sa escalator, kailangang may distansiya.

Ang Christmas parties, kanselado na rin muna. Sa halip na magdaos ng mga pagtitipon, ido-donate na lang mga kumpanya at LGU ang pondo sa mga kababayan nating sinalanta ng magkakasunod na bagyo.

Bukod sa pandemya, sunud-sunod din ang kalamidad sa bansa.

Sa kabila ng mga ito, dapat pa ring may ngiti sa ating mga labi sa pagsapit ng Pasko. Minsan lang ito sa isang taon kaya dapat bigyang-importansiya. Isa pa, ang tunay na diwa ng selebrasyon – kapanganakan ni HesuKristo, bagay na dapat nating ipagpasalamat at ipagbunyi.

Leave A Reply

Your email address will not be published.