Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paslit buwena-mano sa ligaw na bala, 13 pa naputukan

0 84

Nasa 14 na ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok sa bansa ngayong taon, kabilang ang isang 7-anyos na batang taga-Masbate, na unang tinamaan ng ligaw na bala.

Ayon sa Fireworks-related injuries (FWRI) report #8 na inilabas ng Department of Health (DOH), mula alas-6:00 ng umaga nitong Disyembre 21 hanggang alas 5:59 ng madaling araw ng Disyembre 29 ay nakapagtala pa sila ng isang kaso ng FWRI.

“There was one additional case of FWRI reported by the sentinel hospitals. This brings the total to 14 cases as of 5:59 AM of December 29, 2020,” anang DOH.

Gayunman, ang naturang bilang ay mas mababa ng 35 kaso o 71% kumpara noong nakaraang taon.

Nalaman na 13 o 93% sa mga biktima ay nasugatan dahil sa paputok habang isa naman o 7% ang nagtamo ng stray bullet injury o nasugatan dahil sa ligaw na bala.

Nangunguna ang paputok na nakasugat sa mga biktima ay 5-Star (4 kaso); Boga (2); Baby Rocket (1); Bong-bong (1); Fountain (1); Kwitis (1); Piccolo (1); Rebentador (1); Whistle Bomb (1). (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.