Abante Tonite Interactive

Paslit hinigop ng drain pipe

319

Isang limang taong gulang na batang lalaki ang nawala nang aksidenteng mahulog sa culvert o drain pipe habang naliligo sa kasagsagan ng pag-ulan sa Barangay Basak-Pardo, Cebu City noong Sabado nang hapon.

Base sa ulat, nadulas umano ang biktima na kinilalang si John Clark Ebua habang inaabot nito ang bola na nahulog sa drain pipe.

Rumesponde naman kaagad ang mga rescuer sa nasabing lugar matapos malaman ang insidente pero hindi natagpuan ang bata.

Hinala ng mga rescuer na inanod ng rumaragasang tubig baha ang paslit kung kaya’t hindi na nito nagawang makaahon pa mula sa drain pipe.

Patuloy ang paghahanap ng mga rescuer sa paslit hindi lamang sa drain pipe at kung saan ito nahulog kundi ma­ging sa ilog kung saan lumalabas ang tubig na dumadaloy mula sa culvert.