Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paslit hinigop ng pool

0 117

Naging trahedya ang masaya sanang family outing matapos na malunod sa swimming pool ang isang 7-anyos na bata nang mapabayaan ng mga nakatatandang kapatid, kahapon ng umaga sa bayan ng Dalaguete, Cebu.

Nakuha pang maisugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara ring dead on arrival ng sumuring doktor ang batang babaeng biktima.

Nabatid na ang 13 miyembro ng pamilya na mula Mandaue City, Cebu ay nagkayayaang mag-outing sa isang resort sa bayan ng Dalaguete dahil sa kaarawan ng isang kapamilya.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente pasado alas-10:00 ng umaga nang maligo sa may 3-talampakang lalim ng swimming pool ang biktima kasama, ang mga kapatid na 12-anyos at 15-anyos.

Tiwala naman ang mga magulang ng mga bata na walang anumang mangyayari dahil tanaw lang ang swimming pool na pambata sa bintana ng kanilang inuupahang kuwarto subalit makalipas ang ilang minuto ay nakarinig sila ng komosyon at doon ay nakita nilang nire-revive na ng isang guest ang batang biktima matapos itong malunod sa pool.

Napag-alaman na iniwan ng mga kapatid ang bunso at nagpunta sa kiddie slide upang maglaro.

Iisa lang din umano ang lifeguard ng oras na naganap ang trahedya dahil na-late umanong pumasok ang isa pang lifeguard at nataong nag-iikot ang nakadestinong lifeguard sa paligid ng resort kung saan ilang swimming pool ang nakatayo at nang mga oras na iyon ay aabot sa 100 ang guest ng resort.

Sa ngayon ay naghihintay pa ang pulisya kung magsasampa ng reklamo ang pamilya ng biktima laban sa pamunuan ng resort. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.