Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paslit na anak ng boss ginahasa

0 81

Swak sa piitan ang binatang dishwasher nang reypin nito ang 3-anyos na anak na babae ng amo sa Barangay Tandang Sora, Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Alas-2:30 ng madaling araw (March 2) ay dumulog sa Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District ang ina ng ng biktimang itinago sa pangalang Angel, ng Barangay Tandang Sora, QC upang ireport ang sinapit ng anak sa kamay ng empleyadong dishwasher sa kanyang canteen.

Agad namang naaresto ang suspek na si Jose Nanlabi Malaa, 19.

Sa imbestigasyon ni PSMs Princess Relayo, ng Women’s Desk ng PS 3, nitong March 1, alas-4:00 ng hapon, inutusan umano ng yaya ng biktima na Judy Ann na nagtatrabaho rin bilang cashier sa canteen, ang suspek na dalhin ang bata sa kanyang ina sa bahay nito.

Sa halip na sa bahay, dinala ng suspek ang bata sa isang garden at pinagsamantalahan.

Pagkatapos ay ibinalik sa yaya at sinabing wala umano ang ina nito sa kanilang tahanan.

Napansin umano ng yaya na tila hirap umihi ang alaga kaya sinabi niya ito sa ina.

Dinala ang bata sa Metro North Hospital at doon ay nadiskubreng nireyp ito kaya pinaaresto ang suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.