Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paslit na-bully, nagbigti

0 106

Malaki ang posibilidad na ang pangbu-‘bully’ ang nagtulak sa 8-anyos na totoy upang magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Novaliches, Quezon City, Martes ng umaga.
Sa naantalang report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-11:30 ng umaga (July 13), nadiskubre ang nakabigting katawan ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ayon sa pahayag ng ina ng biktima kay PCpl Jerome Mendez ng CIDU-QCPD, nagulat na lamang ito nang bumungad sa kanya ang nakabigting anak sa kisame gamit ang plastic straw.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang bata.

Hinihinala ng mga awtoridad na biktima ng ‘bullying’ ang bata kaya nagpatiwakal. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.