Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paslit natagpuang tsugi, ilang parte ng katawan nawawala

0 119

Matapos ang anim na araw na pagkawala, natapuang wala ng buhay sa gitna ng bukid ang isang 12-anyos na batang lalaki sa Ilayang Tayuman, San Francisco, Quezon.

Ayon sa report ng San Francisco police, nasa state of decomposition na ang biktima nang makita at nawawala na rin ang ilang bahagi ng katawan nito.

Kinilala ang biktima na si John Rex Rosal, isang estudyante.

Ayon sa tatay ng biktima, January 22 ng hapon nang magpaalam ang bata na mangunguha lamang ng dahon ng malunggay. Subalit mula noon ay hindi na ito nakauwi ng bahay hanggang sa matagpuan ang bangkay nito sa niyugan.

Isinailalim na sa pagsusuri ang labi ng biktima at inaalam kung ano ang ikinamatay nito at kung bakit nawawala ang ilang bahagi ng katawan nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.