Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paslit ni-rape slay, tinapon sa bangin

0 207

Wala nang buhay ang isang 10 taong gulang na babae nang matagpuan sa 50 metrong lalim na bangin matapos umano’y gahasain at patayin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bulubundukin ng Itogon, Benguet nitong Martes.

Ayon sa Itogon Police Station (IPS), ang biktima na itinago sa pangalang Jena, ay residente ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report, ayon sa ina ni Jena, noong Pebrero 5 ay sinamahan niya ang kanyang anak upang maligo sa isang communal bathroom tapos ay nauna na siyang umuwi.

Sinabi ng pulisya, mula noon ay hindi na nakauwi sa bahay ang bata.

Kaya naman ipinagbigay-alam na ng pamilya sa pulisya ang nawawalang bata.

Sa kanilang paghahanap, nakita ang biktima na patay na sa bangin na sakop ng Brgy. Ampucao, Itogon at walang suot na pambaba kaya pinaniniwalaang ginahasa muna siya bago pinatay ng suspek.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng follow-up investigation ang IPS hinggil sa krimen. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.