Abante Tonite Interactive

Paslit pisak sa truck

242

Kalunos-lunos ang sinapit ng anim na taong gulang na babae nang masagasaan ng truck sa national highway, Brgy. San Isidro, Luisiana, Laguna Miyerkoles nang tanghali.

Ayon sa Luisiana Police, nalagutan ng hininga bago pa man madala sa pagamutan ang biktima.

Batay sa report, tinatahak ng forward truck na minamaneho ng driver na nakila­lang siFrancis Ted ang highway nang biglang patakbong tumawid ang bata dakong alas-12:35 nang tanghali.

Hindi na ito naiwasan ng driver at tuluyang nasagasaan.

Dahil sa takot ng driver nagpatuloy ito sa pagtakbo bago sumuko sa mga miyembro ng Quezon Provincial Mobile Force.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Ronilo Dagos)