Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasok sa bubble mas hinigpitan

0 80

Clark Smart Giga City – Mas hihigpitan na rin ang pasok ng food deliveries at ‘ayuda’ sa Clark Freeport Economic Zone.

Bahagi ito ng stricter implementation ng protocols para maiwasan ang hawahan sa coronavirus na nagbabantang magpaputok sa Pampanga bubble ng PBA Philippine Cup.

Kinumpirma ni Sec. Vince Dizon na isang player ng Blackwater ang nag-positive Sabado ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Dinala na sa Athletes Village sa New Clark City ang player habang hinihintay ang resulta ng confirmatory swab at antigen tests, naka-isolate na rin ang roommate niya pati ang buong Elite team.

“’Yung mga nagpapadala ng pagkain, deliveries, saka ‘yung mga dumadating na supplies nila galing sa teams nila, tawag nila dito ayuda, pag-aaralan natin na higpitan,” ani commissioner Willie Marcial sa Zoom conference Linggo ng umaga.

Hindi pa naman nagpapasabi ang IATF kung kailangan nang itigil ang ibang aktibidad tulad ng jogging, running, swimming at golf sa Mimosa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.