Abante Tonite Interactive

Paspasang 2019 national budget hamon sa liderato ni Arroyo

By
4,170

Magiging hamon sa liderato ni bagong House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpasa sa panukalang pambansang budget sa 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magsisilbing hamon sa liderato ni Speaker Arroyo kung mabilis na maipapasa ang panukalang pambansang budget na nagkakahalaga ng P3.7 trillion.

Umaasa aniya ang Palasyo na maipapasa ang budget sa ­tamang oras para hindi ga­gamit ang administrasyon ng re-enacted budget.

Kabilang sa mga popondohan ng proposed national budget para sa susunod na taon ay ang mga nakalinyang proyekto na nasa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyon.

“Well, this is a test for the new House Speaker. Nonetheless, we are confident that because this budget is intended to implement Build, Build, Build which means more projects for all congressmen and legislators as well, that it will be passed on time,” ani Roque.