Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Passport scam namayagpag uli

0 307

Muling inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko laban sa mga anunsyo sa social media na nag-aalok ng pekeng passport appointment slot at iba pang dokumento kapalit ng malaking bayad.

Natuklasan umano ang muling pamamayagpag ng sindikato sa likod ng passport scam online nang magsumite ng kanilang dokumento ang mga aplikante sa DFA kamakailan sa pag-aakalang tunay ang mga nakuha at binayaran nila sa mga naka-transaksyon sa social media.

Aminado si DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Brigido Dulay na nalimitahan ang pagpoproseso sa aplikasyon sa passport dahil sarado ang karamihan ng consular office nila sa mga mall bunsod ng pinairal na enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ sa NCR Plus noong Marso at Abril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunman, tiniyak ng opisyal na 10 temporary satellite office ang nakatakdang buksan ng DFA sa lalong madaling panahon para sa 2,500 slot sa Metro Manila at iba pang rehiyon na may mataas na demand ng passport application.

Idinagdag niya na tanging mga appointment na na-proseso sa pamamagitan ng kanilang opisyal na website na www.passport.gov.ph ang kilalanin. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.