Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pastillas’ Gang protektor ng ex-Wirecard boss

0 274

Pinaniniwalaang protektor ang `Pastillas’ Gang sa Bureau of Immigration (BI) ng pinaghahanap na ex-chief operating officer for Asia ng Wirecard na si Jan Marsalek.

Nabatid na dalawang opisyal ng BI ang iniimbestigahan ngayon dahil sa pag-encode umano ng pagdating at pag-alis ni Marsalek sa bansa. Subalit wala diumaong makuhang ibang ebidensiya na katunayang dumating si Marsalek sa Pilipinas noong Hunyo 30 at umalis ng Hunyo 24, base sa mga opisyal na dokumento.

Base sa report noong Hunyo 25 kay BI Commissioner Jaime Morente na napasakamay ng Abante, lumalabas na wala ang pangalan ni Marsalek sa passenger manifest ng mga arrival flight at hindi rin ito nakita sa anumang video footage ng dumating na mga pasahero.

Subalit base sa rekord mula sa Management Information Systems Division ng BI, dalawang Immigration Officer na kinilalang sina IO Ilagan at IO Pancho, ang nag-encode ng pagdating ni Marsalek sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal I at sa pag-alis nito sa Mactan Cebu International Airport (MCIA).

“MISD extracted travel record of flight 3k761 showed that IO Ilagan

processed five passengers including Marsalek,” nakasaad sa report.

Pero sinabi rin sa report na walang `photo capture’ kay Marsalek sa BI counter at maging sa kanyang pagdating sa NAIA at pag-alis sa MCIA.

Nakasaad pa sa report na ang mga BI officer na sinasabing nag-encode sa travel details ni Marsalek sa BI system ay wala sa kanilang counter sa oras at petsang dumating at umalis ito.

“23 June 2020 and 24 June 2020 BI duty officers schedule at NAIA

Terminal 1 and the MCIA respectively, did not show an immigration

officer named Ilagan or Pancho, thus it may deemed they were not

officially on duty during the time period,” ayon pa sa report. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.