Abante Tonite Interactive

Pastillas Girl pasabog sa bikining itim

1,662

Tila tinatakam ni Angelica Jane Yap ang mga barako base sa kanyang latest Instagram post. Dito’y makikita si Angelica na umaawra habang suot ang sexy skimpy two piece black bikini, kaya lalong na-highlight ang kanyang alindog.

Bagay na pagpantasyahan ng mga barako si Angelica, habang tumutugtog ang kantang bikining Itim!

Si Angelica ay nakilala bilang Pastillas Girl ng ‘It’s Showtime’. Ngayon ay naaalala siya ng madla kapag nababanggit ang pastillas scheme sa Bureau of Immigration, hahaha! Although wala naman siyang kinalaman doon at may sarili siyang pasabog, gaya nga ng masisilip sa sexy photo niya sa kanyang IG account.

Bukod sa kanyang makurbang katawan, katakam-takam din ang malulusog na boobs ng Kapamilya talent, batay pa rin sa kanyang IG post.

Base sa kanyang bansag na Pastillas Girl, masasabing may similarity si Angelica sa sikat na panghimagas ng mga Pinoy. Masarap itong papakin at masasabing hindi pagsasawaang kainin ng marami.

Kung pagbabasehan lang ang kariktan at malusog na hinaharap ni Pastillas Girl, siguradong walang barakong tatanggi na namnamin at matikman ang kanyang tamis, anomang oras. (Nonie Nicasio)