Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pastillas’ padrino sa Ombudsman huhubaran

0 439

Ni Nancy Carvajal

Magsasagawa ng masusing pagsisiyasat ang National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy kung sino ang sinasabing kontak sa Office of the Ombudsman ng mga suspek sa `Pastillas’ scheme sa Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay NBI Special Action Unit head Atty. Emeterio Dongallo, may basbas na ni Ombudsman Samuel Martires ang gagawin nilang imbestigasyon.

“The NBI had coordinated with the office of the OMB [Martires] and requested CCTV footage after the filing of cases against Pastillas suspects,” sabi ni Dongallo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kanila aniyang aalamin ang mga alegasyon na nakompromiso na ang Office of the Ombudsman base sa pahayag ng whistleblower na si Dale Ignacio, na miyembro ng `Pastillas’ gang.

Sa ganitong paraan din umano ay malilinis naman ang pangalan ng mga inosenteng tao na nadawit sa mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya.

Matatatandaang isiniwalat ni Ignacio sa pagdinig ng komite ni Senador Risa Hontiveros noong Martes na si dating BI official Red Mariñas ang umano’y mastermind ng `Pastillas’ scheme.

Inihayag pa ni Ignacio na sa mga pagpupulong umano nila ay sinabi ni Mariñas na huwag silang mag-alala hinggil sa kasong isinampa ng BI dahil mayroon itong kontak sa Office of the Ombudsman.

“We are now trying to establish the veracity of the information and to get their identities or identity,” sabi ni Dongallo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.