Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Pastillas’ whistleblower destabilizer daw

0 308

Ni Nancy Carvajal

Inakusahan ng mga miyembro ng `Pastillas’ Gang sa Bureau of Immigration (BI) ang mga dati nilang kasamahan na naging whistleblower na bahagi umano ng destabilization plot laban sa administrasyong Duterte.

Subalit mariin itong itinanggi ng mga imbestigador ng National Bureau of Investigation (NBI) at binigyang diin na matibay ang mga ebidensya nila laban sa mga miyembro ng sindikato sa BI.

Ayon kay Dale Ignacio, Immigration Officer 2 at isa sa dalawang whistleblower, isang miyembro ng `Pastillas’ Gang ang sumulat kay Pangulong Rodrigo Duterte at itinanggi na mayroong money-making scheme sa BI.

Kasabay nito, inakusahan pa umano silang mga whistleblower na bahagi ng destabilization plot laban sa gobyerno.

Sabi ni Ignacio, ang naturang liham ay nilagdaan umano ni Dimples Mallari, isa sa mga tinukoy na miyembro umano ng `Pastillas’ Gang.

“We assured President Duterte that Pastillas Gang is real and not a

plot to discredit his administration,” pahayag ni Ignacio sa online news site Politiko (politics.com.ph) sa ambush interview sa NBI.

Nagpapasalamat din umano si Ignacio na nagkausap sila ng Pangulo at nagkaroon siya ng pagkakataon na itanggi ang mga paratang ni Mallari sa liham nito sa Pangulo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I was asked to read a letter from a member of the Pastillas group

accusing me and Chiong as pakawala ng dilawan to destabilize the

administration. The letter was signed by Mallari and is in Tagalog,”

sabi ni Ignacio.

“I told the president that we have documents to support our charges

against Pastillas members and all of them were submitted to the NBI-

SAU,” aniya pa.

Inihayag pa nito na dumalo rin sa naturang pulong kay Pangulong Duterte sina Senador Bong Go, NBI Officer-In-Charge Eric Distor at NBI Special Action Unit chief Emeterio Dongallo. Naganap umano ito bago pa man pinatawag ng Pangulo ang 40 BI officer na tinukoy umanong mga miyembro ng `Pastillas’ Gang.

Sa naturang pulong, tiniyak umano ni Distor sa Pangulo na may sindikato nga sa BI at matibay ang ebidensya nila laban sa mga ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.