Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasulpot-Sulpot na White Lady

0 104

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo nakatiyempo na ba kayo ng white lady sa inyong lugar? Paano kung ang white lady na yun ay gustong makipag-patintero sa inyo…pasulput-sulpot at padaan-daan sa harap o tabi niyo?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Jojie ng Quezon City ay halos ma-praning nang ilang beses siyang pinagpakitaan ng white lady sa kanilang lugar. Ang masaklap nun tila nais pa ng multo na makipaglaro at nakipagpatintero pa sa kanya.”

Misteryo: “Mukhang kakaiba itong white lady encounter mo ah. Playful white lady pala ito.”

Jojie: “Yun nga eh hindi yung usual na horror ang dating pero nakakatakot pa rin kasi bigla na lang siya sumusulpot.”

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Misteryo: “So paano ang pangyayari at nasabi mong pasulput-sulpot ang white lady?”

Jojie: “Ganito kasi yun sa parking ng condo namin ito gumagala. Nakauwi na ko from work kaya nasa parking na ako then I think 2 corners na lang malapit na ko sa slot may nakita akong naka-white na babae na lumitaw. I thought totoong babae talaga siya pero nung malapit na ko sa kanya bigla siya nawala. Then nung magpa-park na ako biglang nag-appear na naman yung babae this time sa likod ng car sa gawing harap ng parking slot ko. Naglalakad siya towards right. Naisip ko naman baka nag-e-exercise lang siya kasi kahit 10pm na meron pa ring nag-jo-jogging sa parking area ng condo namin.”

Misteryo: “Pero hindi naman siya naka-work out get up di ba? Napansin mo ba kung ano damit niya? And yung movement niya napansin mo bang gliding siya not walking?”

Jojie: “OMG! Yes gliding nga siya not walking akala ko lang naglalakad siya kasi behind cars siya. Hindi din siya naka-work out clothes nakita ko kasi nalipad ng hangin suot niya while moving.”

Misteryo: “Hindi naman siya lumapit sayo? Any feeling of hostility or danger? Wala ba?”

Jojie: “Wala naman ganun kasi pa-sideways ang movement niya hindi direct sa akin.

Kayo mga ka-Misteryo share niyo white lady or ghost encounters niyo. Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.