Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasya sa London Marathon Agosto 7

0 219

Iniurong ang desisyon sa darating na Agosto 7 para sa Virgin Money 40th London Marathon 2020, ayon sa mga organizer nitong Martes.

Nitong Abril 26 pa dapat humagibis ang 42.195-kilometer road running event pero iniurong ng Oktubre 4 dahil sa pagsambulat ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Marso. Damay rin ang halos lahat ng mga paligsahan sa mundo.

Sa isang liham ni race director Hugh Brasher sa lahat ng mga kalahok sa nasabing araw, ang pagkaatrasado aniya sa pasya sa karera kung itutuloy pa ngayong taon o kakanselahin na lang, ay sanhi na rin nang pakikipagkonsultahan pa nila sa NHS Trusts, emergency services at local authrities. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.