Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasyente, 3 pa sa ambulansya sinalpok ng trak, todas

0 108

Patay ang apat na sakay ng isang ambulansya kabilang ng isang pasyente matapos salpukin ng truck sa Quirino highway, Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon Miyerkules ng umaga.

Tatlo ring pasahero ng ambulansya kabilang ang isang bata ang malubhang nasugatan.

Sa report ng Tagkawayan police, galing ng Sorsogon ang Nissan Urvan na ambulance at magdadala sana ng pasyente sa Maynila nang salubungin ng Isuzu Giga ten wheeler wing van

Sa lakas ng pagkabangga, nakaladkad pa ang ambulansya bago sumalpok ang truck sa isa pang van.

Nasawi ang driver ng ambulansya na si Melchor Escandor, 45; ang pasyenteng si Jocelyn Esadero, at si Zander Regalado. Nasawi din habang ginagamot sa Ma. Luisa Eleazar Memorial District hospital sa Tagkawayan si Aljon Gime, 12 anyos.

Nasugatan naman ang kapamilya pa nilang sina Nigel Gime, 8, Lanie Escandor, at Rose Ann Espineda.

Nasa kustodiya naman ng Tagkawayan police ang driver ng truck na si Gerardo Bandales, 39.

Ayon pa sa imbestigasyon, dahil umano sa madulas na kalsada dulot ng walang tigil na pag ulan kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.