Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasyente bumulusok sa ospital, tigok

0 141

Patay ang isang ginang na nagpapagamot ng sakit na ‘gallbladder’ matapos magtamo ng grabeng pinsala sa ulo nang mahulog umano sa gusali ng ospital sa Quezon City nitong Nobyembre 26.

Ang biktima ay si Corazon Rivera, 53, housewife, ng Batasan Hills, Quezon City.

Sa naantalang report sa Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), Huwebes ng alas-6:10 ng gabi nang matagpuan ang duguang biktima sa likuran ng Rosario Maclang Bautista General Hospital sa IBP Road Barangay, Batasan Hills, QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa inisyal na imbestigasyon ni PMSg Julius Cesar Balbuena ng CIDU-QCPD, noong Nobyembre 23 ay na-admit sa nasabing ospital si Rivera dahil sa sakit na ‘gallbladder’.

Sa pahayag ng saksing si Roengent Armutuc, nagpapahinga umano siya sa tabi ng ospital nang makarinig ng kalabog mula sa likuran at nang alamin ay nakita ang biktima na duguan nang nakahandusay sa semento.

Agad na ipinagbigay alam ni Armutuc ang insidente sa duty security guard na si Hermison Santiago at pinasok sa emergency room ng ospital ang ginang subalit binawian din ito ng buhay.

Masusi pang iniiimbestigahan ng mga awtoridad kung nahulog o tumalon ang biktima mula sa gusali. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.