Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasyente lumagapak sa ika-9 palapag ng ospital

0 201

Masusi ngayong iniimbestigahan ng mga awtoridad kung nahulog o sadyang tumalon ang 39 -anyos na lalaki na pasyente mula sa ika-siyam na palapag ng gusali ng ospital sa Quezon City, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Basag ang bungo at bali ang mga buto nang matagpuan ang 39-anyos na biktimang taga-Baesa, QC.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-3:28 ng madaling araw (April 7) nang maganap ang insidente sa 9th floor ng Ace Medical Center.
Sa imbestigasyon ni PCpl. Morshid D Tanog, na-confine ang stockman na biktima sa nasabing ospital

dahil sa lower gastro-intestinal bleeding. Sumailalim din siya sa COVID test pero nagatibo ang resulta.
Ayon sa guwardiya ng ospital na si Ryan Mirabuenos, habang naka-duty ay bigla na lang may kumalabog

at nang alamin ay bumungad ang duguang nakahandusay na katawan ng biktima.

Agad dinala ang biktima sa emergency room subalit binawian din ito ng buhay. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.