Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasyente sa kotse na kinabitan ng oxygen

0 240

Viral ngayon sa social media o Facebook ang larawan ng isang nakaparadang sasakyan sa labas ng ospital na nagsilbi na rin pagamutan dahil doon na nakalagak ang isang pasyente.

Naispatan kasi sa pinost na picture ng emergency room doctor na si Dr. Jamie Ysabel Amposta, na sa loob ng isang nakaparadang sasakyan ay doon na ikinabit ang oxygen tank at IV pole mula sa 66-anyos na pasyente sa loob ng kotse.

Idinaing ng doktor na hindi na mabigyan ng maayos na gamutan ang pasyente dahil na rin sa kawalan nang bakante sa tents o kuwarto sa ospital.

Humingi rin ng dispensa si Amposta sa mga natatanggihan pasyente. Kasabay nito ay nag-abot ito ng sariling budget para pakisuyuan ang mga nurse na asikasuhin ang mga nasa labas na pasyente.

Sa huling report ay nailipat na sa isang tent sa labas ng ospital ang pasyenteng kinabitan ng oxygen sa sasakyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.