Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pataasan ng ihi

0 115

Winarningan  ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang Cebu provincial government sa pangunguna ni Gov Gwen Garcia na ituwid  ang kanilang kontrobersiyal na executive order (EO) na opsyonal na ang pagsusuot ng face mask.

Maliban sa ultimatum ay sinabi ni Año na pinag-iisipan na niya ang paghahain ng kaso laban kay Governor Garcia kaugnay sa inilabas nitong EO 16 na nagsasaad na ang pagsusuot ng face mask ay kinakailangan na lamang sa closed and airconditioned spaces sa Cebu.

Nanindigan ang kalihim na lahat ng opsyon ay gagawin ng departamento alinsundo sa instruction ng Office of the President.

Partikular na ginawang paglabag umano ni Garcia ay ang pagsuway sa Executive Order No. 151, series of 2021 ukol sa Nationwide Implementation of the Alert Level System for COVID-19 Response at ang mga panuntunan na kailangang ipatupad sa ilalim nito.

Nagbunsod ang ultimatum ng DILG matapos na sabihin ni Garcia na hindi niya kinikilala ang resolution ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mandatoryong pagsusuot ng face masks bilang batas.

Wala sa batas anang gobernadora at hindi rin pinagtibay sa Kongreso o kautusan na nilagdaan ng pangulo ang resolusyon ng IATF.

Ano nga kaya ang kahahantungan ng patigasan na ito ng DILG at Cebu government? Sino kaya ang yuyuko at sino ang mananaig?

May kakasuhan ba o sadyang puro pormahan lang ang mangyayari?

Sa ganang akin, hindi magandang tingnan ang iringan ng national at local government lalo na’t mistulang binabalewala ng isang local executive ang kautusan ng DILG sa isang napakasensitibong isyu.

Kaya dapat ay magkaroon ito ng ending kung saan ay ipapakitang hindi dapat sinusuway ang national government dahil hindi malayong gayahin ito ng ibang local exec.

Leave A Reply

Your email address will not be published.