Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patakaran sa Clark sobra ang higpit

0 88

Sobrang higpit na ipinatupad ang entry protocols sa mga nagdatingang players at team staff sa PBA bubble sa Clark Freeport Economic Zone.

Base sa schedule, dumating na ang 12 teams Martes ng hapon, huli ang NLEX at Blackwater.

“Bago bumaba sa bus, may staff na nagbi-brief sa kanila. ‘Yung mga bagahe nila, dini-disinfect nakahiwalay,” ani Sec. Vince Dizon, deputy chief implementer ng government COVID-19 response.

Habang nag-Zoom press conference sa grounds ng Quest hotel sina Dizon at Clark Development Corp. chief Noel Manankil, kita sa likod nila ang maayos na pila ng Road Warriors at Elite.

“Nakapila silang mabuti, practicing social distancing,” dagdag ni Dizon.

Unang step ang clinical triage – interview at check kung may lagnat, sipon o ubo. Pagkatapos ay required silang mag-register. Kailangan ay na-download na ang QR Code at i-scan para makita kung registered na sila.

“After nu’n, they will go inside and wait for swab testing. Bibigay na sa kanila ‘yung room key,” paliwanag ni Dizon. “After ng swab, diretso na sila sa kanilang rooms wala silang ibang puwedeng daanan.”

Mandatory ang two-day isolation, pati pagkain ay ide-deliver sa kanilang rooms.

Paglabas ng negative tests, puwede nang mag-scrimmage.

Nag-u-update na nang sarili ang code ng apps sa smartphones.

“Paglabas ng hotel, scan ang QR code. Upon boarding their buses they have to again scan para pag-biyahe, alam na sakay sila ng bus. Pagpasok sa AUF, scan again so the system will know kung nasaan sila,” panapos na wika ni Sec. Vince. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.