Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patakaran sa granular lockdown ilalabas na

0 73

Posibleng ihayag ng pamahalaan ngayong Lunes ang mga guideline para sa granular lockdown na ipatutupad sa National Capital Region (NCR), ayon sa isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, isasapinal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ngayong Lunes ang panukalang polisiya upang maaprubahan para sa pilot run nito sa NCR.

“It will be officially announced tomorrow [Lunes], `yong pinaka-guidelines. Banggit ko nga, naaprubahan na `to. Meron lang tatlong issue na kailangan i-address kaya na-delay,” paliwanag ni Densing.

Dapat sana Setyembre 8 ipatutupad ang granular lockdown ngunit ipinagpaliban ito dahil hindi pa naisasapinal ang guidelines. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.