Abante Tonite Interactive

Patakaran sa pagpili ng 3rd telco tapos na

0 2,729

Natapos nang gawin ng Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) ang Terms of Reference (TOR) na magsisilbing gabay ng pamahalaan sa pag­pili ng 3rd major telco player pero hindi pa ito maisapubliko.

Ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr., sinusuri pa ang TOR ng oversight committee na tinatag ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril sa pamamagitan ng Administrative Order No. 11.
“The TOR is now ­under review of the Oversight Committee. We will have it published once approved,” sabi ni Rio.

Isinisisi ng ibang stakeholder sa Department of Finance (DOF) ang kabagalan sa pagpili ng 3rd major telco player. Sa pagkakatatag kasi ng oversight committee, nadagdagan ang mag-aapruba at hahaba ang proseso ng pagpili ng 3rd major telco player.

Immediate-Hiring-Ads