Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patas na haba ng araw, gabi papalo sa Marso 20 – PAGASA

0 102

Mararanasan ang vernal equinox o ang patas na haba ng gabi at araw sa Marso 20, 2021,ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa Pagasa, ang nasabing phenomenon ay dalawang beses lang kada taon nangyayari. Ngayong 2021, ang unang equinox ay mangyayari sa Marso at ang ikalawa ay sa Setyembre.

Ang vernal equinox ay isang astronomical event na naghuhudyat ng pagsisimula ng spring sa northern hemisphere at autumn sa southern hemisphere.

“The Sun’s motion allows it to pass the First Point of Aries, known as [the] vernal equinox, an imaginary location in the sky defined in our coordinate system as a place where the ecliptic and the celestial equator meet. It marks the zero point of the Right Ascension grid, the celestial equivalent of latitude on Earth,” paliwanag ng PAGASA.

Ang Pilipinas ay nasa itaas ng equator at kabilang sa northern hemisphere, walang spring season sa bansa kundi dry season lang na nagsisimula sa buwan ng Marso hanggang Mayo. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.